Kumusta naman ang Buhay?!
Pagkalipas ng isang dekada, ano ako ngayon?
Buhay nanay na may tatlong anak at ano???
May asawa pa ba na nagaaruga at nagaasikaso?
O mag-isa nalang at nagpapaka tatag sa hamon ng mundo?
Ano nga ba ang pagkakaiba ng isang buhay na puno ng pangarap
at sa buhay na totoong nalalasap?
Ano ang trabaho ngayon na nagpapahirap or nagbibigay sarap?
sa mga sugatan na puso at puno ng tangis na nalalasap?
Kung ang salita man ay nakakapanakit ang mga gawa at hakbang naman ay tuluyang nakakakuha ng bait
sa mga salita lamang nailalabas ang pait
sa buhay na puno ng hinagpis
sa ito lamang na paraan nakakalabas ng hinaing
sa ganito lamang nakakapag punas ng luha at pait.
kapag ika'y nagiisa at walang kakapit
ano ang kukunan ng lakas sa mga ganitong ninanais
ang mga kapamilya at kaibigan ay hindi nakakaintindi ng iyong dinaraanan at hinagpis\
o anong hirap at anong pait na dinaranas mag-isa at walang karamay sa landas na ipit.
No comments:
Post a Comment