Saturday, August 22, 2009

Pinakatatago ng Puso Ko



Minsan nang umibig ng lubusan at totoo
Ang batang-bata na puso kong ito
Nasaktan ng di na mabilang na pagkakataon
Dahil puro kung bumaon sa paglipas ng panahon.

Sa pag-ibig, di laging masaya na minsa’y
Di maiwasan na magkaroon ng problema
Kaya nagkataon humantong sa paghihiwalay
Ang luha’y pumatak ng walang humpay.

Una’y di maamin sa sariling pagkatao
Na tunay pa ring umaasa sa susunod na magkita
Magyakapan at magsabing “na miss kita”
Magpatawad at magkabalikan na.

Nananabik na marinig ang matatamis mong bukambibig
Sa labi na kay sarap ng dantay ng halik
Parating nasa isip at di mawaglit-waglit
Iniibig ka pa rin at iyan ay paulit-ulit..

Sa sulok ng dib-dib kong naghihinagpis
Lubid ng pasensiya ang pinagkakapit
Na darating ang bukas, ang aking mata
May kinang ng kulay na pula at masaya.

Dati’y pinakatatago ito ng puso ko
Ayaw matawag na ipokrito tulad mo
Sa huling talata, ipinaaalam ko
Ako’y andito maghihintay sa dulo ng mundo mo.

-Razor hot-

No comments:

Post a Comment